PhilHealth Chief Ricardo Morales, pinagbibitiw na ni Pangulong Duterte

552

Ipinag-utos na ni Pangulong Rodrigo Duterte kay PhilHealth President at CEO Ricardo Morales na magbitiw na ito sa pwesto dahil sa kaniyang medical condition.

Ito ang kinumpirma ni Justice Secretary Menardo Guevarra.

Ayon kay Guevarra, sinabi ng Pangulo na mas mabuti na rin ito para sa ahensya na dumadaan sa matinding krisis dahil sa isyu ng korapsyon.

Aniya, nakausap na rin ni Executive Secretary Salvador Medialdea si Morales na nagsabing maiintindihan niya kung kailangan na siyang palitan sa PhilHealth.

Sabi pa ni Guevarra na anumang oras ay inaasahan ang pormal na pagbibitiw sa puwesto ni Morales para makapili na kaagad ng papalit sa kaniya.

Si Morales ay kasalukuyang naka medical-on-leave dahil na rin sa payo ng kaniyang doktor bunga ng kaniyang nagpapatuloy na chemotherapy para sa kaniyang lymphoma o cancer sa lymph nodes.

Facebook Comments