PhilHealth, hinihintay ang official announcement kaugnay sa appointment ng bago nilang pinuno

70

Hinihintay ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang official confirmation ngayong mayroon silang bagong presidente.

Matatandaang si retired Military General Ricardo Morales ang susunod na mamumuno ng state insurance firm na papalit kay Dr. Roy Ferrer.


Ayon kay PhilHealth Deputy spokesperson Rey Balena – wala pang malinaw na detalye tungkol sa appointment ni Morales.

Magbibigay ng abiso ang PhilHealth kapag nagkaroon na ng kumpirmasyon,

Bago ito, pitong opisyal ng PhilHealth ang nagbitiw dahil sa kontrobersiya ng ‘ghost’ dialysis claims.

Facebook Comments

From Advertisers