PhilHealth, iginiit na walang ‘conflict of interest’ sa lease of contract ng gusaling pagmamay-ari ng pamilya ni Duque

87

Iginiit ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na walang ‘conflict of interest’ kaugnay sa lease contract ng kanilang regional office sa Pangasinan sa gusaling pagmamay-ari ng pamilya ni Health Secretary Francisco Duque III.

Ayon sa PhilHealth, itinataguyod nila ang polisiya at quasi-judicial functions nito.


Noong June 1, 2012 – ang kanilang Regional Office 1 ay inilipat sa Educational and Medical Development Corporation (EMDC) building sa Tapuac District, Dagupan City matapos ang matagumpay na public bidding sa ilalim ng Government Procurement Reform Act.

Ang gusali ay pagmamay-ari ng Lyceum-Northwestern University sa ilalim ng corporate name na EMDC, na pagmamay-ari ng pamilya Duque.

Ang lease contract ay isang beneficial arrangement para sa PhilHealth.

Ang kontrata ng PhilHealth sa EMDC ay mapapaso sa katapusan ng taon.

Facebook Comments

From Advertisers