PhilHealth, kinilala ng ASEAN Social Security Association dahil sa serbisyo nito sa mga Pilipino

71
Photo Courtesy: PhilHealth Facebook Page

Nakatanggap ng pagkilala ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) mula sa ASEAN Social Security Association (ASSA) sa ika-37th Board Meeting nito na naganap noong December 2020.

Ito ay matapos ang walang humpay na pagtulong ng ahensya sa mga Pilipino sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Ayon kay PhilHeath President and Chief Executive Officer Atty. Dante Gierran na siyang kinatawan ng ahensiya para tanggapin ang pagkilala, malaki ang pasasalamat nila sa ASSA Board para sa pagkilala sa kanilang patuloy na suporta sa gobyerno.

Iniaalay naman aniya nila ang pagkilalang ito sa gobyerno at sa masigasig at masisipag na health care workers na patuloy na lumalaban para sa bayan.

Ang ASSA ay binubuo ng mga social security agencies mula sa; Brunei, Cambodia, Indonesia, Lao Peoples’ Democratic Republic , Malaysia, Myanmar, Singapore, Thailand, Vietnam at  Pilipinas.

Facebook Comments