PhilHealth, nanindigang mali at pawang walang katotohanan ang mga isyung ibinabato sa kanila

Nanindigan ang PhilHealth Corporation na pawang mali at walang katotohanan ang mga alegasyong ibinabato sa kanila ng ilang broadsheets sa bansa.

Ayon sa Philhealth, tiniyak nilang mananagot ang sinumang may kagagawan ng mga maling impormasyon ito.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon ang Senado at Office of the President kaugnay rito kaya handang sagutin ng PhilHealth ang anumang isyung ibabato sa kanila.


Kasabay nito, tiniyak naman ng PhilHealth sa publiko na sumusunod sila sa batas at alituntunin ng gobyerno at napapangalagaan ng maayos ang salaping ipinagkatiwala sa kanila.

Facebook Comments