PhilHealth President at CEO Dante Gierran, nakipagpulong sa COA; Balasahan sa ahensya, naka-amba

91

Nakipagpulong na si Philhealth President at CEO Dante Gierran sa Commission on Audit (COA) upang pag-usapan ang pondo ng Philippine Health Insurance Corp.

Sa pagpupulong, iprinesinta ng mga opisyal ng COA kay Gierran ang kanilang natuklasan sa pondo ng PhilHealth.

Kasabay nito, sinabi ni PhilHealth Spokesman Rey Balena na possible ang balasahan sa ahensya pero si Gierran ang mag-aanunsyo tungkol dito.

Pinag-aaralan din ni Gierran ang mga ulat ng Senado at ng Department of Justice-led Task Force patungkol sa anomaliya.

Inaasahang magsusumite si Gierran ng plano nito sa PhilHealth kay Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng 15 araw.

Facebook Comments