PhilHealth President Ricardo Morales, nagsumite na ng resignation letter sa Malakanyang

72

Natanggap na ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang resignation letter ni PhilHealth President and CEO Ricardo Morales.

Ito ang kinumpirma ni Senator Christopher Bong Go.


Ang planong pagbibitiw ngayong araw ay inihayag mismo ni Morales sa harap ng alegasyon ng katiwalian sa pinamumunuan nitong PhilHealth.

Lumabas din ang report na para kay Pangulong Rodrigo Duterte ay mas mainam na magbitiw na si Morales para matutukan ang kanyang kalusugan.

Base sa health certificate na isinumite ni Morales sa Senado ay dumaranas ito ng lymphoma o cancer.

Nauna nang nagpaabot ng pasasalamat si Morales sa tiwala sa kanya ni Pangulong Rodrigo Duterte at sa pahintulot nito na makapagpahinga siya sa trabaho para matutukan ang kalusugan at ang kanyang pamilya.




Facebook Comments