PhilHealth reform bill sa Kamara, pinaaaprubahan na

80

Pinaaaprubahan agad ni Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda ang counterpart bill ng Senado sa Kamara kung saan isinusulong na mailipat sa Secretary ng Finance ang Chairmanship ng Health Secretary sa PhilHealth.

Hiniling ni Salceda sa aide memoire na ipinadala nito kay Speaker Lord Allan Velasco at Majority Leader Martin Romualdez na bigyan na ng direktiba ang Kamara para madaliin ang pagpapatibay sa House Bill 7578 o ang PhilHealth Reform Act.


Partikular nitong pinapatukoy bilang ‘urgent priority’ ang nasabing panukala.

Naniniwala si Salceda na ang kawalan ng ‘financial expertise’ ng PhilHealth administration ang ugat kaya nakakaladkad sa problemang pinansyal at mga katiwalian ang tanggapan.

Bukod sa pagpapalit ng Chairman sa PhilHealth Board ay itinutulak din ni Salceda ang iba pang financial reforms ng state health insurer.

Binibigyang mandato rin na magsagawa ng independent audit sa PhilHealth na hiwalay pa sa auditing na ginagawa ng Commission on Audit (COA) gayundin ay pinagrereport ang Presidente ng PhilHealth sa Pangulo at sa Kongreso patungkol naman sa mga solusyon na inilatag para resolbahin ang problema ng ahensya.




Facebook Comments