PHILHEALTH REGION 1 MAY PAGLILINAW SA PAGBIBIGAY NG BENEPISYO SA MGA NAGPOPOSITIBO SA COVID19

Nilinaw ng Philhealth ang ilan sa mga panuntunan ng pagbibigay ng benepisyo sa mga nagpositibo sa covid-19 sa buong region 1.

Sa naging panayam ng IFM DAGUPAN kay Philhealth Region 1 Public Affairs Unit Head Joseph Manuel sinabi nito na ang mga may kasong pneumonia ang nabibigyan ng karampatang benepisyo depende sa lala ng sakit nito.

Maliban dito aniya ay binibigyan din naman aniya ng benepisyo ang mga nagkakaroon ng covid19 dahil sa iba pang sakit gaya ng heart attack pero hindi katulad ng pneumonia.


Dagdag pa ni Manuel na karaniwan kasi sa mga kasong mild at asymptomatic ay sa mga isolation facilities lamang dinadala kung saan ay hindi na ito saklaw ng aniya di gaya ng mga dinadala sa mga pagamutan lalo na sa mga Philhealth accredited hospitals.

Facebook Comments