Philippine Airlines, tiniyak na sisikapin pa ring maging normal ang operasyon sa Mindanao

Manila, Philippines – Tiniyak ng Philippine Airlines na sisikapin pa rin nilang ma-maintain ang normal operations sa Mindanao.

Sa harap ito ng panggugulo ng Maute Group sa Marawi City.

Ayon sa PAL, walang magiging pagbabago sa schedule ng kanilang flights sa Mindanao hangga’t kaya nila ang sitwasyon doon.


Agad naman anila silang mag-aabiso sa mga pasahero sakaling may kanselasyon o delay sa kanilang flights.

Una nang naglatag ng options ang flag carrier sa kanilang mga pasahero para sa rebooking, refund at rerouting.

DZXL558, Joyce Adra

Facebook Comments