Philippine Ambassador to Lebanon Bernardita Catalla, binawian ng buhay dahil sa Covid-19

Kinumpirma ng Department of Foreign Affairs ang pagpanaw ngayong araw ni Philippine Ambassador to Lebanon Bernardita Catalla dahil sa mga kumplikasyon na dulot ng COVID-19.

Si Ambassador Catalla ay 27 taon nang career diplomat. Siya ay nagsilbi rin bilang Philippine Diplomat sa Kuala Lumpur, Jakarta at naging Passport Director ng DFA

Bago siya naging Ambassador sa Lebanon, naging  Consul General sa Hong Kong si Ambassador Catalla.


Siya rin ang nanguna sa mass repatriation program ng Philippine Embassy sa Beirut mula December 2019.

Facebook Comments