Philippine Army Dragon Warriors, humakot ng mga parangal sa 1st leg ng Philippine Dragon Boat Federation Regatta

93

Itinanghal na over-all champion ang Philippine Army Dragon Warriors sa 1st leg ng Philippine Dragon Boat Federation Regatta matapos makuha ang unang pwesto sa tatlong kategorya.

Isinagawa ang torneo sa Manila Bay nitong March 27 matapos itong maantala ng dalawang taon dahil sa COVID-19 pandemic.

Ayon kay Army Spokesman Col. Xerxes Trinidad, natalo ng Philippine Army Dragon Warriors ang tatlong 200-meter events sa Mens, Womens at mixed crew.


Sa panig naman ni Army Special Service Center Installation Management Command Director Col. John Gabun, patuloy pa nilang pagsisikapan ang mga pagsasanay sa mga atletang Pilipino para makapag-uwi ng karangalan sa bansa.

Facebook Comments