Philippine Azkals, haharapin ang Nepal para sa 2019 Asian cup qualifiers

Manila, Philippines – Haharapin ng Philippine Azkals ang Nepal sa 2019 Asian cup qualifiers, alas 8 ngayong gabi sa Rizal Memorial Stadium.
 
Sa third round ng qualifiers ay haharapin ng Azkals ang Nepal, Tajikistan at Yemen sa isang double round robin, home-and-away competition kung saan ang top 2 teams ang aabante sa 2019 Asian cup sa UAE.
 
Matatandaang nabigo ang mga Azkals na mapagharian ang nabuwag nang AFC challenge cup matapos matalo sa palestine sa iskor na 0-1 noong 2014 challenge cup final.
 
Hawak ng Azkals ang three-game winning streak laban sa nepal.
 
Hindi naman makakalaro para sa Azkals ang may injury na sina key players Misagh Bahadoran at Midfielder Kevin Ingreso.

Facebook Comments