Philippine Azkals, nasa pinakamataas na ranggo nito sa FIFA World Ranking

27

Manila, Philippines – Umaakyat ng dalawang baitang ang Philippine Azkals para matamo nito ang pinakamataas na antas nito sa FIFA World Ranking na inilabas kahapon.

Sa may rankings ng mga national teams sa buong mundo, nasa ika-111 na ngayon ang national men’s football team.

Dahil na rin sa magandang ipinakita ng Pilipinas sa 2019 Asian Cup Qualifiers kung saan nakapagtala ang Azkals ng tatlong panalo at tatlong tabla kaya umangat pa ito sa all-time high ranking.

Sa kabila nito, sinabi ni Azkals team manager Dan Palami na marami pa ang kailangan gawin sakripisyo at pagbabago para maihanda ang koponan sa napipintong bakbakan ng Azkals at ng mga tinaguriang big boys ng Asian Football.

Noong nakaraang Abril sumampa sa ika-113 ang Azkals.

Facebook Comments