Philippine Bar Association, nag-alok na maging host ng debate nina Pangulong Duterte at Justice Carpio

95

Handa ang Philippine Bar Association na maging host na debate sa pagitan nina Pangulong Rodrigo Duterte at retired Supreme Court Justice Antonio Carpio hinggil sa mga isyu sa West Philippine Sea.

Ayon kay PBA President Rico Domingo, maaari silang mag-host ng debate sa petsa at oras na pagkakasunduan nina Pangulong Duterte at Carpio.


Bilang pinakamatandang voluntary private organization ng mga abogado sa bansa, ang PBA ay magbibigay ng balanced arena para kina Pangulong Duterte at Carpio na kapwa mga abogado.

Aniya, ang forum ay libre at walang gagastusin ang magkabilang panig bilang pagsusulong sa rule of law.

Sinabi rin ni Domingo na ang mga Pilipino ang makikinabang sa prangka at deretsahang diskusyon hinggil dito.

Una nang sinabi ni Malacañang na bukas si Pangulong Duterte sa isang formal debate at handa siya anumang oras.



Facebook Comments