Philippine Chamber of Commerce and Industry, kontento sa unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Duterte

234

Manila, Philippines – Kontento ang Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI), sa unang taon ng panunungkulan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay PCCI President George Barcelon – bagamat hindi perpekto ang pamamalakad ng Duterte administration, nananatili aniyang kampante ang mga negosyante dahil sa magandang pundasyon para sa pagpapalawig ng ekonomiya ng bansa.

Sinabi ni Barcelon na “game changer” ang foreign policy at ipinatupad na gyera kontra ilegal na droga.


Naniniwala ang opisyal na ang importante ay nakikita na ngayon ang progreso ng mga investments at development assistance mula sa ibang bansa mula sa foreign trips ng Pangulong Duterte.

Facebook Comments