Philippine Coast Guard, bukas sa pag-transport ng relief supplies sa mga sinalanta ng bagyo sa Cagayan at Bicol

42

Bukas ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga pribadong indibidwal o organisasyon na nangangailangan ng transport assistance para makarating sa mga apektadong komunidad ang kanilang donasyon.

Ayon sa PCG, ang kailangan lamang gawin ay i-drop-off ang donasyon sa PCG National Headquarters, Pier 15, Port Area, Manila o makipag-ugnayan lamang po sa PCG Public Affairs: 0927-560-7729 / 0930-377-5581.


Layon nito na mapabilis ang pagdadala ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Ulysses sa Cagayan at Bicol Region

Una nang naghatid ng kanilang mga donasyon sa PCG National Headquarters ang ilang private individuals tulad ng purified drinking water.

Facebook Comments