Philippine Coast Guard, Nagpadala Na Ng Search And Rescue Vessel Para Hanapin Ang Walo Pang Nawawalang Tripulante Ng Mv

8

BATANGAS – Nagpadala na ang Philippine Coast Guard ng search and rescue vessel na BRP Pampanga katuwang ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources para hanapin ang walo pang nawawalang tripulante ng MV Starlite Atlantic na lumubog Maricaban Tingloy Island sa Batangas dahil sa hagupit ng bagyong Nina.Ayon kay PCG OIC Commodore Joel Garcia, susuyurin nila ang mga kalapit na isla upang mahanap ang 8 tripulante.Sinabi nito na sa 22 tripulante ng MV Starlite Atlantic, 14 sa mga ito ang agarang nailigtas.Pag-aaralan din nila kung papaanong lumubog ang nasabing ro-ro vessel at pinagsusumite na ng incident report ang kapitan ng barko.Nagpalabas narin aniya sila ng notice to mariner para makatulong sa paghahanap sa mga nawawalang tripulante.

Facebook Comments