Philippine Coast Guard, pabor sa termination ng 1989 Accord sa University of the Philippines

50
Photo Courtesy: Philippine Coast Guard Facebook Page

Welcome sa Philippine Coast Guard (PCG) ang desisyon ng Department of National Defense (DND) na i- terminate na ang kanilang 1989 Accord sa University of the Philippines (UP).

Sa isang statement, sinabi ng PCG na ang termination na ito ay hindi nangangahulugan ng panghihimasok sa academic freedom ng unibersidad.


Ayon sa PCG, isa lamang itong signal na panahon na para pairalin ang equality sa mga patakarang pinatutupad.

Tiniyak naman ng PCG na mananatili ang kanilang basic social contract.

Naniniwala rin ito na ang termination sa 1989 accord ay maaaring magbukas ng mga oportunidad para sa epektibong kolaborasyon sa pagitan ng academe at uniformed services sa bansa gaya ng militar o pulisya.

Facebook Comments