Philippine Coastguard, magsasagawa ng recreational safety inspection a mga beach resort sa bansa

40

Manila, Philippines – Magsasagawa ng recreational safety inspection ang
Philippine Coastguard sa iba’t ibang beach resort sa bansa.

Sinabi ni Coastguard Spokesman Commander Armand Balilo, na kasama sa
iinspeksyunin ng Coastguard ay ang pagkakaroon ng mga karatula, babala at
paalala sa mga manlalangoy hinggil sa kung papaano magiging ligtas habang
naliligo sa dagat.

Kanila rin susuriin kung mayroong sapat na life – saving equipment ang
resort at kung mayroon itong sapat na bilang ng lifeguards.

Sinabi ni Balilo na kanila na rin ikinakasa ang pagsasanay sa mga life
guards.

Facebook Comments