Philippine College of Physicians, nilinaw na hindi sila nananawagan ng rebolusyon nang hilingin na ilagay muli sa ECQ ang Metro Manila

130

Nilinaw ng Philippine College of Physicians (PCP) na hindi sila nanananawagan ng rebolusyon nang hilingin nilang ibalik sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) ang Metro Manila.


Ito ang naging tugon ng grupo matapos ang naging pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi nito pipigilan ang mga frontliner na nais magtawag ng rebolusyon.

Giit ng PCP, hindi sila nagbantang iiwan ang kanilang mga pasyente at wala silang intensyong ipahiya ang administrasyon at ang Inter-Agency Task Force (IATF).

Kasabay nito, nagpasalamat naman ang grupo sa mabilis na pag-aksyon ng Pangulo sa kanilang hinaing.

Nilinaw naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque, na naglabas lamang ng saloobin ang Pangulo.

Aniya, nagtataka lang ang Pangulo kung bakit mas nauna pang ipaalam sa publiko ang hinaing ng medical community sa halip na sa kaniya.

Sana ay binigyan muna aniya ng pagkakataon ang Pangulong Duterte na sagutin ang liham bago ito isinapubliko.




Facebook Comments