
Tiniyak ng Department of Foreign Affairs (DFA) na tinututukan na ng Philippine Consulate General in Guangzhou ang kaso ng tatlong Pilipinong inaresto sa China matapos akusahan ng pang-eespiya.
Ayon sa DFA, binigyan na ng legal support ng konsulada ang tatlong Pinoy.
Tiniyak din ng DFA ang proteksyon sa karapatan at interes ng mga Pinoy.
Ipinaabot na rin ng DFA sa Chinese government na tiyaking mabibigyan ng due process ang tatlong Pinoy alinsunod sa domestic law at sa Philippines-China Consular Agreement.
Nabatid na isa sa mga Pinoy na naaresto ay matagal nang nagtatrabaho sa Tsina at nagsasagawa raw ito ng pang-eespiya malapit sa military facilities ng China.
Sinasabing kinuha raw ng Philippine intelligence services ang serbisyo ng Pinoy dahil matagal na itong nagtatrabaho sa nasabing bansa.
Una nang lumabas sa report na isa sa tatlong Pinoy ay matagal nang nagtatrabaho sa China at bahagi raw ng pag-espiya nito ang pagkolekta ng mga sensitibong impormasyon tulad ng military deployment ng China.
Tinukoy rin sa report ang pagkuha raw ng Pinoy ng close observation at mga sikretong larawan sa Tsina.