Philippine Consulate General sa Milan, nagbabala sa posibleng crackdown operation sa harap ng pagdami ng mga Pinoy na lumalabag sa batas doon

Sa harap ito ng pagkaka-aresto sa ilang Pinoy sa Milan dahil sa mga paglabag sa batas.

Tinukoy ng konsulada ang ilang mga Pilipino na hindi sumunod sa mga batas at ordinansya ng Italya.

Kabilang dito ang paglabag sa ordinansya sa pag-iingay, pagkakalat, pagbebenta, pagluluto, pagbili ng mga iligal na paninda, pag-iinom, pagsusugal, gayundin ang pag-ihi sa mga park at mga pampublikong lugar.

Kabilang sa mga hinuli ng local police ang ilang Pinoy na nagbebenta ng pagkain sa harap ng konsulada.

Ayon sa Philippine Consulate, bagamat nakatakbo ang ilang Pilipino, nakumpiska naman ang kanilang mga paninda.

Pinapayuhan naman ang mga Pilipino na iwasan munang magtungo sa Parco Bande Nere at Parco Martesana para hindi makasama sa crackdown operation.

Facebook Comments