Philippine Consulate General sa San Francisco, California, nag-alok ng tulong sa pamilya ng Pinoy na namatay sa mass shooting

193

Handa ang Philippine Consulate General sa San Francisco, California na tulungan ang pamilya ng Pilipinong kasama sa 9 na mga namatay sa shooting incident sa San Jose.

Kinilala ang Pinoy na si Paul dela Cruz Megia, na isa sa mga katrabaho ng gunman.


Nagpaabot din ng pakikiramay sa pamilya ni Megia ang Konsulada ng Pilipinas.

Matapos ang pamamaril ay nagbaril din sa sarili ang gunman na si Samuel James Cassidy, 57, maintenance worker ng Valley Transportation Authority kung saan nagtatrabaho ang namatay na Pinoy.

Facebook Comments