Philippine Consulate sa Hong Kong, 4 na oras lamang na magbubukas ngayong araw dahil sa bagyo

65

Apat na oras lamang na mag-o-operate ngayong araw ang Philippine Consulate sa Hong Kong.

Kasunod ito ng pananalasa ng Bagyong Ma-on.

Ngayong araw na ito ay mula alas-12:00 ng tanghali hanggang alas-4:00 ng hapon lamang bukas ang konsulada.


Ito ay bagama’t binaba na sa Signal Number 3 mula Signal Number 8 ang babala ng bagyo sa Hong Kong kaninang umaga.

Ang nasabing bagyo ay patungo na ng Mainland China.

Facebook Comments