Philippine Consulate sa Hong Kong, nag-abiso na rin sa mga Pinoy doon na magpabakuna muna bago umuwi ng Pilipinas

Bukod sa ilang Philippine Posts sa Middle East, nag-abiso na rin ang Philippine Consulate sa Hong Kong sa mga Pilipino doon na magpabakuna muna bago umuwi ng Pilipinas

Sa harap ito ng inaasahang pag-uwi ng maraming Pinoy balikbayan ngayong holiday season.

Una nang hinimok ng Department of Health ang Returning Overseas Filipinos na magpabakuna muna bago umuwi ng Pilipinas.


Layon nito na hindi makadagdag sa mga kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Facebook Comments