
Masayang sinalubong ng Philippine Sports Commission (PSC) ang Philippine Curling Team matapos maiuwi ang kauna-unahang gintong medalya para sa Pilipinas sa natapos na 9th Asian Winter Games na ginanap sa Harbin, China.
Nakamit ng grupo ang gintong medalya matapos nilang matalo ang Curling team ng South Korea.
Mga bulaklak at welcome banner ang sumalubong sa grupo sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 noong Sabado ng gabi.
Kaakibat dito, ang grupo ay humarap sa isang presscon kung saan nagpasalamat sila sa mga sumuporta at nagbigay ng pagbati sa kanila.
Ayon sa Philippine Olympic Committee, nagre-request sila ng pondo para sa Philippine Curling team para sa susunod na laban ng grupo.
Tatanggap ang P2-M ang Philippine Curling Team mula sa gobyerno kasunod ng makasaysayang pagkapanalo ng grupo.
Samantala, nagpahayag naman ng pagbati ang Embahada ng China sa Pilipinas sa matagumpay na pagkapanalo ng grupo.