
Nanawagan ang Philippine Embassy sa Tel Aviv sa mga Pilipino sa Israel na magpatala sa kanilang Tourist Monitoring Survey.
Layon nito na mapanatili ng embahada ang komunikasyon nito sa mga Pilipinong turista sa Israel.
Ayon sa Philippine Embassy, mas magiging madali rin ang pagbibigay ng advisories, at tulong sa Filipino tourists sakaling kailanganin.
Ang hakbang ng embahada ay sa harap ng muling pagpapalitan ng missiles ng Israel at ng Iran.
Magugunitang ilan ding Filipino tourists ang na-stranded sa Gitang Silangan nang sumiklab ang giyera sa Middle East.
Facebook Comments










