
Nagsasagawa na ng “Online Consular Mapping” ang Philippine Embassy sa Bahrain sa mga Pilipino sa nasabing bansa.
Sa harap ito ng lumalalang tensyon sa Middle East.
Layon ng naturang “Online Consular Mapping” na makapag-update ang Filipino community ng kanilang record o pinakabagong update.
Pinapayuhan din ng Philippine Embassy ang mga Pinoy sa Bahrain na manatiling kalmado at sumubaybay sa mga balita at abiso mula sa lokal na awtoridad doon.
Tiniyak din ng embahada na regular silang mag-a-update sa mga Pilipino doon hinggil sa mga huling kaganapan.
Facebook Comments