Philippine Embassy sa Israel, tumutulong na rin sa ugnayan para sa lalo pang pagpapalakas ng ekonomiya ng Pilipinas at Israel

59

Tumutulong na rin ang Philippine Embassy sa Tel Aviv para sa lalo pang pagpapalago sa economic relations ng Pilipinas at Israel.

Kaugnay nito, pinangunahan ng embahada ang paglagda ng Department of Trade and Industry (DTI) at ng Israel Innovation Authority sa kasunduan hinggil sa pagtutulungan ng dalawang bansa sa larangan ng technological innovation, research at development.

Ginawa mismo ang paglagda sa kasunduan nang personal na magtungo sa Israel si Trade Sec. Ramon Lopez.


Tinukoy din sa pagpupulong ang key priorities para sa papasok na bagong administrasyon sa usapin ng pagpapalakas ng ekonomiya ng dalawang bansa.

Facebook Comments