Philippine Embassy sa Lebanon, tiniyak na walang Pilipinong nasaktan sa nangyaring street violence sa Beirut

167

Tiniyak ng Philippine Embassy sa Lebanon na walang Pilipinong nasaktan sa nangyaring street violence na yumanig sa Beirut kahapon.

Sa kabila nito, patuloy na mino-monitor ng embahada ang sitwasyon doon.

Nagpaalala rin ang Philippine Embassy sa mga Pinoy sa Lebanon hinggil sa pinaiiral na Alert Level 2 (Restriction Phase) sa harap ng political-economic situation sa nasabing bansa.


Pinapayuhan din ang Filipino community na maging alerto, iwasan ang paglabas ng bahay kung wala namang mahalagang pakay at iwasang magtungo sa matataong lugar.

Facebook Comments