Philippine Embassy sa Malaysia, patuloy na nag-iikot sa Filipino community para maiwasan ang pagdagsa sa embahada

82

Nagpapatuloy ang pag-iikot ng Philippine Embassy sa Malaysia sa Filipino community doon para magbigay serbisyo partikular ang consular outreach mission.

Layon nito na maiwasan ang pagdagsa ng mga Pinoy sa embahada lalo na’t tumataas ang kaso ng COVID-19 sa ilang mga bansa.

Sa ngayon, nagbibigay ng serbisyo ang embahada sa Filipino community sa Tawau, Sabah.


Sa ganitong paraan, maiiwasan ang pagsisiksikan sa Philippine Embassy at mapapanitili ang social distancing.

Facebook Comments