Philippine Embassy sa New Zealand, nagbukas na ng operasyon matapos ibaba ang COVID-19 alert level

Binuksan na muli ng Philippine Embassy sa Wellington ang operasyon nito matapos na ibaba ng New Zealand Government sa Level 2 ang COVID-19 Alert nito mula sa Alert Level 4.

Ito ay matapos ang tatlong linggong lockdown na ipinatupad sa nasabing bansa para mapababa ang kaso ng COVID-19.

Sa muling pagbubukas ng Philippine Embassy sa New Zealand, limitado lamang ang oras ng operasyon nito, bukod sa mahigpit na ipinatutupad ang health protocols ng nasabing bansa.


Kailangan ding magpa-schedule muna ng appointment ang mga Pilipinong magsasagawa ng transaksyon sa embahada ng Pilipinas.

Magugunitang sa tatlong linggong lockdown sa New Zealand, naiproseso pa rin ng embahada ang pagpapauwi sa mga stranded na Pinoy doon gayundin ang pagrarasyon ng pagkain.

Facebook Comments