Philippine Embassy sa Riyadh, may paalala sa OFWs na sasama sa dalawang repatriation flight ngayong Hunyo

59

Nagpaalala ang Philippine Embassy sa Riyadh, Saudi Arabia sa Overseas Filipino Workers (OFWs) na sasabay sa repatriation flight sa June 19 at June 24.

Ayon sa embahada, kailangang sumailalim sa RT-PCR Test sa loob ng 72 oras bago ang kanilang flight upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19 sa loob ng eroplano.


Pinapayuhan din ang chance passengers na magpakita ng negatibong resulta ng RT-PCR test bago sila payagang sumakay sa eroplano.

Tiniyak naman ng Philippine Embassy na nakikipag-ugnayan sila sa accredited testing laboratories sa Saudi Arabia para sa swab test ng Pinoy repatriates.

Mamamahagi rin ang embahada ng personal protection kit sa airport para sa mga uuwing OFW.

Facebook Comments