
Nagpaalala ang Philippine Embassy sa Saudi Arabia, sa mga Pilipino doon kaugnay ng inilabas ng Saudi General Authority of Media Regulation hinggil sa mga bagong alituntunin para sa sa social media.
Layon nito na matiyak ang magalang, tama, at angkop sa kultura na komunikasyon sa lahat ng digital platform.
Hinihikayat ng emnahada ang mga miyembro ng Filipino community at organisasyon sa Saudi Arabia na sumunod sa mga alituntuning ng Saudi government para sa pagpapanatili ng ligtas at responsableng paggamit ng digital.
Pinaalalahanan din ang mga Pinoy sa Saudi na maging maingat sa nilalaman ng kanilang post at humingi ng pahintulot bago isama ang mga bata o kasambahay sa kanilang content.
At iwasan ang pagpapakalat ng pekeng impormasyon o tsismis.









