PHILIPPINE ID REGISTRATION, INILUNSAD NA RIN SA ISANG MALL SA SAN CARLOS CITY

Pormal na inilunsad sa lungsod ng San Carlos ang mall registration kaugnay sa programa ng gobyerno na Philippine Identification Card o PhilSys ID.

Sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan, Philippine Statistics Authority at sa pamunuan ng isang mall ay sinimulan na ang operasyon ng STEP 2 Registration upang makakuha ng Philippine ID.

Ang maaari lamang umanong magtungo sa lugar ay ang mga Pre-Registered lamang ang maaaring makapagpa-schedule sa pasilidad at hindi maaari ang Walk-In Registration.


Ang paglulunsad nito ay kasabay ng pagnanais ng lokal na pamahalaan ang pagtutulungan ng public at private sectors sa pagbibigay ng serbisyo.

Una ng inilunsad noong nakaraang linggo ang Mall Vax Sites para sa pagbabakuna kontra COVID19 at ang isa pang mall na nakatayo sa lungsod ay inilunsad din ang Saliva RT PCR Testing-Drive Thru.

Facebook Comments