Philippine Karate Team, sumailalim na sa bubble training

34

Sumailalim na sa strict quaratine bubble training ang anim na miyembro ng Philippine Karate Team sa Calamba, Laguna.

Ito ay bilang paghahanda sa Olympic Qualifier Tournament na gaganapin sa Mayo 2021 sa Paris, France.


Ayon kay Philippine Karate Team Coach Sonny Montalvo, dalawang beses nag-swab test ang bawat manlalaro kasabay ng isasagawang periodic swab test habang nasa loob ng bubble.

Inaasahan namang aabot hanggang Pebrero 12 ang kanilang training bago tuluyang lumipad patungong Portugal at magpatuloy sa Azerbaijan sa buwan ng Marso.

Facebook Comments