Philippine National Police-Drug Enforcement Group, may 54 miyembro na

65

Manila, Philippines – Aabot na sa 54 na bagong miyembro ng Drug Enforcement Group (DEG) ang nare-recuit ng Philippine National Police (PNP).

 

Ayon kay DEG Director, Senior Supt. Graciano Mijares – nabigyan na ng kani-kanilang assignment ang 54 na bagong recruit kasabay ng pagtitiyak na ang mga ito ay dumaan sa istriktong selection process para matiyak na wala silang hindi magandang record.

 

Ang ibang bagong miyembro ng DEG na galing sa binuwag na Anti-Illegal Drugs Group (AIDG) ng PNP ay sasailalim muna sa background investigation at periodic drug testing.

 

Marami-rami pang kakailanganing tauhan ang DEG dahil kailangann nito ng 477 na miyembro sa buong bansa.

 

Sa ngayon ayon kay Mijares, mayroon pang 60 pulis mula sa iba’t ibang lalawigan ang nagpahayag na rin ng intensyon na sumapi sa kanila.

 

Ang DEG ay binuo para habulin ang mga itinuturing na high-value targets gaya ng financiers, manufacturers, distributors, traffickers at protectors ng illegal drug trade.

Facebook Comments