Philippine National Women’s Volleyball Team, target ang ikalawang sunod na panalo kontra Kazakhstan sa 19th AVC Asian Seniors Women’s

Sports – Target ng Philippine National Women’s Volleyball Team na masungkit ang ikalawang sunod na panalo kontra Kazakhstan sa 19th AVC Asian Seniors Women’s Championship.

Maghaharap ang dalawang koponan alas-5:30 mamayang hapon sa Alonte Sports Arena sa Biñan City, Laguna.

Inaasahang tataas ang kumpiyansa ng mga Pinay spikers laban sa mga Kazakhstan bunga ng kanilang panalo laban sa Hong Kong.


Ang top 8 ng Torneo ay aabante sa 2018 AVC Asian Women’s Volleyball Cup.

Sa nakaraang kampanya ng nationals ay tumapos lamang sila sa 12th spot noong 2015 sa Tianjin, China.

Ang pinakamataas na naabot ng Philippine team sa Torneo ay fifth place noong 1983 sa Fukuoka, Japan.

Facebook Comments