
Naiturn-over na sa Philippine Navy ang mga underwater drone na narekober sa iba’t ibang lugar sa bansa.
Ayon kay Phil. Navy Spokesperson for the West Philippine Sea Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, 5 underwater drone ang nasa kustodiya nila sa ngayon.
Aniya, dahil sa dami ng drone na nasabat, maituturing itong “orchestrated move” mula sa foreign power na hindi naman tinukoy kung ito ba ay China.
Posible umanong may military use ang mga underwater drone.
Samantala, nagpapatuloy pa rin ang forensic analysis sa drone na narekober sa Masbate noong nakalipas na taon.
Facebook Comments