Philippine Olympic committee President Peping Cojuangco, tinawanan lang ang kasong isinampa ni dating PBA player Ramon Fernandez

Manila, Philippines – Pinagtawanan lamang ni PhilippineOlympic Committee President Jose “Peping” Cojuangco Jr., ang kasong isinampalaban sa kaniya ni Philippine Sports Commission Offical Ramon Fernandez.
Ayon kay Cojuangco, hindi siya natatakot sa 10 million pesoslibel suit kung saan muli niyang iginiit na hindi siya magsasalita laban kay Fernandeznang wala siyang hawak na ebidensiya o mga taong pwedeng magsalita parasuportahan ang mga sinabi nito sa dating basketball player.
Nag-ugat ang reklamo ni Fernandez matapos sabihin ni Cojaungcosa harap ng mga media noong Pebrero na isa umano siyang game-fixer.
Matatandaan sa naging presscon ni Fernandez, sinabi nitona maaari lamang niyang i-atras ang kaso kung magpa-public apology si Cojuanco dahilayaw nitong palakihin pa ang isyu.
Nitong Martes, naghain ng reklamo si Mon sa Cebu City atsinabing handa din daw siyang maglabas ng mga dokumento na magpapatunay samaling paggamit ni Cojuangco ng pondo ng P-O-C.
Photo from: Spin.ph  
 

Facebook Comments