Philippine Ports Authority, plano nang gawing automated ang pagbili ng tiket sa mga pantalan

55

Gagawin na ng Philippine Ports Authority o PPA na automated ang pagbili ng tiket sa lahat ng pantalan sa gitna ng kinakaharap na COVID-19 pandemic.

Ayon kay PPA General Manager Jay Santiago, bahagi ng mga bagong hakbang ang gagawin nilang automated na pagbili ng tiket kung saan hindi na kakailanganin pang pumila ng mga pasahero.

Isinagawa din ng PPA ang test run ang electronic ticketing project sa Batangas at Calapan Ports at plano na nila itong simulan sa susunod na taon.

Maari na din mag-book via on-line at i-print na lamang ang tiket tulad ng ginagawa sa mga airline at paraan din daw ito upang maiwasan ang mga fixer.

Facebook Comments