Philippine Red Cross at RMN Foundation, muling lalagda ng kasunduan para sa pagpapatibay ng malawakang volunteerism sa panahon ng kalamidad

50

Mamayang hapon muling lalagda sa panibagong kasunduan ang Philippine Red Cross (PRC) sa RMN Foundation, Inc. na siyang social responsibility arm ng RMN Networks, Inc.

Ito ay para mapaigting ang magandang relasyon ng PRC at ng RMN Networks para i-promote ang malawakang volunteerism sa panahon ng kalamidad.

Gayundin ang pagsasagawa ng blood donation drive at iba pang related-activities ng bansa sa pamamagitan iba’t ibang RMN stations nationwide.


Present mamayang hapon sa virtual signing sina Senator Richard “Dick” Gordon, Chairman at CEO ng PRC at PRC Secretary General Elizabeth Zavalla.

Habang kinatawan naman ng netwoks ay sina RMN Chairman, CEO Eric S. Canoy at siyang President and Chairman ng RMN Foundation, Executive Vice President & Chief Operating Officer ng RMN Marketing & Media Ventures Ms. Erika Canoy-Sanchez at Ms. Rhoda Navarro – Corporate Social Responsibility Manager ng RMN Networks at RMN Foundation, Inc.

Facebook Comments