Philippine Red Cross, nagpadala na ng medical team sa Quezon City kung saan may nagaganap na barilan

156

Nagpadala na ng medical team ang Philippine Red Cross o PRC sa bahagi ng Ever Gotesco mall sa Quezon City kung saan may nagaganap na barilan.

Sa inisyal na impormasyon na nakuna ni PRC Chairman Senator Richard Gordon, mayroon ng dalawang sugatan tauhan ng Philippine National Police.


Ayon kay Gordon, patuloy ang koordinasyon ng PRC sa Quezon City Police District Station 5 at 6 kaugnay sa nabanggit na shooting incident.

Pinayuhan din ni Gordon ang lahat ng nasabing lugar na mag-ingat.

Facebook Comments