Philippine Red Cross, nakiisa sa paggunita ng World Red Cross and Red Crescent Day

32

Nakiisa ang Philippine Red Cross (PRC) sa selebrasyon ng World Red Cross and Red Crescent Day na idinaos noong Mayo a-otso.

Bukod sa Pilipinas, nasa 191 Red Cross at Red Crescent National Societies sa buong mundo ang nakilahok sa nasabing pagdiriwang na may temang “Together We are “Unstoppable”.


Sa Pilipinas, pinangunahan ang selebrasyon nina PRC Chairman at CEO Senator Richard Gordon, Secretary General Elizabeth Zavalla, kasama ang mga Board of Governors, representatives mula sa International Federation of Red Cross and Red Crescent Societies (IFRC) at mga volunteers.

Kasabay nito, binati ni IFRC President Francesco Rocca ang Philippine chapter sa maayos na pamamahala at pagtugon ng organisasyon sa mga nangangailangan ng publiko lalo na ngayong pandemya.

Una nang nagdiwang ang PRC ang kanilang ika-74 na anibersaryo noong Abril 15.

\



Facebook Comments