Philippine Red Cross, namahagi ng mga pagkain sa mga bakwit sa Cagayan

35

Rumesponde na rin ang Philippine Red Cross (PRC) para maghatid ng tulong sa mga biktima ng matinding pagbaha sa Cagayan.

Ang PRC Chapter sa Cagayan ay namahagi agad ng hot meals o mga bagong lutong pagkain sa 300 bakwit sa Annafunan East Elementary School at pagkain din sa 250 bakwit sa Tuguegarao East Central School.


Ang Red Cross Nueva Viscaya – Water Search and Rescue (WASAR) teams ay nagtungo na rin ng Cagayan para tumulong sa rescue operations.

May first aid station na ring inilagay ang PRC sa lugar para tumugon sa mga nasugatan o nangangailangan ng agarang atensyong medikal.

Ang PRC headquarters ay nagpadala na rin ng mga trained volunteers, mga rescue vehicles, rescue boats at iba pang kagamitan sa Cagayan.

Facebook Comments