Philippine SuperLiga, balik laro na matapos payagan ng IATF

36

Inaprubahan na ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagbabalik laro ng Philippine Superliga (PSL) para sa kanilang beach volleyball challenge.

Ayon kay PSL Commissioner Ian Laurel, pinaplano nilang ganapin ang tournament sa Subic Bay Metropolitan Authority sa Nobyembre 27 hanggang 29.


Binibigyan pa aniya nila ang bawat koponan at manlalaro ng halos isang buwan napaghahanda kagaya ng physical conditioning.

Siniguro din ng pamunuan ng PSL na dadaan ang lahat ng kalahok sa mahigpit na protocols kagaya RT-PCR test para matiyak na negatibo ang mga ito sa COVID-19.

Facebook Comments