Philippine Volleyball Star na si Jaja Santiago, muling maglalaro ngayong taon sa Japan Volleyball Premier League

60

Muling maglalaro sa kaniyang ikatlong pagkakataon ang Philippine Volleyball Star na si Jaja Santiago bilang import ng Ageo Medics sa Japanese Volleyball Premier League sa Japan.

Sa instagram post ni Jaja, ipinakita niya na nagsimula na siya mag-impake ng kaniyang mga gamit at inaasahang tutungo na siya sa Japan ngayong linggo.


Nakatakdang magsimula ang 2020-2021 season ng nasabing paliga sa October sa kabila ng banta ng COVID-19 pandemic.

Matatandaang noong ikalawang taon ni Jaja bilang import ng Ageo Medics ay tinulungan niya ang nasabing kuponan na masungkit ang broze medal sa 2019 Japan V.League.

Facebook Comments