Philippine women’s football team, tinambakan ang Tonga sa kanilang tune-up game sa Australia

51

Tinambakan ng Philippine women’s football team ang bansang Tonga sa iskor na 16-0 sa kanilang tune-up game sa Western Sydney, Wanderers FC Football Park.

Nakapagtala ng limang goals si Carleigh Frilles habang pasok ang hat tricks nina Camille Rodriguez at Hali Long.

Ang nasabing laban ng Pilipinas na nasa Australia ngayon ay para sa kanilang paghahanda sa 31st Southeast Asian Games sa Mayo na gaganapin sa Hanoi, Vietnam.


Susunod naman makakalaban ng naturang koponan ang Cambodia sa May 9 at sa May 11 naman ang Vietnam.

Facebook Comments