Philippines Football League, planong magdagdag ng team

66

Sinisilip ng Philippines Football League (PFL) na gawing walo ang koponan ng liga para sa susunod na season.

Ayon kay PFL Commissioner Coco Torre, plano nilang dagdagan pa ng dalawang team ang liga matapos na rin ang matagumpay na season sa pamamagitan ng bubble.

Nabatid na sa pinaikling season ay itinanghal na kampyon ang United City F.C. kung saan otomatiko rin silang pasok sa Asian Football Confederation Champions League group stage.


Dagdag pa ni Torre, umaasa silang sa susunod na taon ay magiging iba na ang scenario pagdating sa professional sports sa bansa lalo na kapag nagkaroon na ng bakuna kontra sa COVID-19.

Facebook Comments